Sunday, June 1, 2014

may mga araw na ayaw

minsan may mga araw na ayaw
ayaw mong magpatuloy pa
ayaw mo nang gumising
ayaw mong may kumausap sayo
anong sitwasyon?
agam-agam sa trabaho?
sa mga bagay na pinangarap na di nagkatotoo?
o sa oasis na abot-tanaw mo
yun pala'y guni-guni lamang na dulot nang pagkahilo
sa antisipasyon sa isang bagay na alam mong malabo
at sa pagbuo nang isang bagay na wala naman talagang halaga sayo 
ngunit sa awa'y di mo rin mapahintulutang gumuho
at sa huli'y di pa rin sigurado kung hihilingin mo
na malaman kung ano ba ang silbi sa mundo
o kaya'y alisin ang kakayahang mangarap pa 
gayung di naman kaakibat ang kalayaan 
o katapangang maisakatuparan ito